^

Bansa

25 na nagpositibo sa PCOO

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 25 empleyado ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni PCOO Secretary Martin Andanar kung saan sa nasabing bilang ay 17 dito ang active cases sa kanilang main office habang ang iba ay mula sa kanilang attached agencies.

Dalawa naman ang nasawi, isa sa tanggapan ng PCOO main office at isa mula sa APO production unit.

Dahil dito kaya naka-lockdown umano ang PCOO at RTVM, bagama’t may mga ilang pinapasok sa panig ng techical.

Nagtalaga na ang COVID Warrior Mechanism ng magsagawa ng contact tracing at koordinasyon sa mga ospital.

Lahat din umano ay daraan sa swabbing maging ang kalihim at lahat ng nasa production na kaila­ngang araw-araw pumapasok.

Nilinaw naman ni Andanar na matapos ang SONA ng Pangulo ngayong araw ay magiging virtual production na ang RTVM sa mga susunod na dalawang linggo.

vuukle comment

PCOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with