^

Bansa

'Contact tracing' unahin kaysa anti-terrorism bill, bira ni Pangilinan sa DILG

James Relativo - Philstar.com
'Contact tracing' unahin kaysa anti-terrorism bill, bira ni Pangilinan sa DILG
Binabantayan ng mga lokal na otoridad at ng Philippine National Police (PNP) ang Kaingin Bukid sa Barangay Apolonio Samson matapos itong ilagay sa special concern lockdown (SCL) kaugnay nang pagtaas ng coronavirus disease (COVID-19) sa lugar
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Binira ni Sen. Francis "Kiko" Pangilinan ang Department of Interior and Local Government (DILG), Huwebes, dahil sa diumano'y pagpraprayoridad ng ahensya sa kontrobersyal na anti-terrorism bill kaysa sa coronavirus disease (COVID-19) contact tracing efforts.

Lumalabas kasi sa mga briefing kamakailan si Interior Secretary Eduardo Año para ipagtanggol ang bill, maliban sa may mga kumakalat na PNP memorandum kung saan hinihimok nila ang mga local chief executives na suportahan ito. Ang PNP ay organisasyong pinamumunuan ng DILG.

Nakatatanggap ngayon ng kritisismo ang panukala — na pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang — dahil sa aniya'y kapasidad nitong targetin maging ang oposisyon at mga aktibista.

Basahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?

"Kesa bigyang pokus ng DILG ang mas maigting at malawakang contact tracing at pagtulong sa mga locally stranded individuals, kasama pa rin sa pinagtuunan ng pansin ng DILG at ni DILG Secretary Año ang pagkalap ng malawakang suporta mula sa mga LGU ukol sa anti-terror bill," wika ni Pangilinan.

"Kung kailan abala ang mga lokal na pamahalaan sa pagtulong sa kanilang mga kababayan, nagawa pa ng DILG isingit ang usapin ng anti-terror bill. Suporta nga ba, o 'loyalty check' para sa mga kaalyado ng administrasyon?"

Miyerkules nang ihain ng Bayan Muna party-list ang kanilang House Resolution 983 para tutulan ang aniya'y "iligal" na pamimilit ng PNP Nueva Ecija sa mga local government units (LGUs) na magpakita ng suporta sa nasabing measure. 

"Contact tracing kesa anti-terror bill. Iuwi ang mga LSIs kesa anti-terror bill. Suportahan ang mga LGU kesa papirmahin para sa anti-terror bill," banggit pa ng senador, na isa sa dalawang bumoto kontra sa panukala maliban kay Sen. Risa Hontiveros.

Bagong contact tracers kailangan

Kanina lang nang sabihin ni Año mismo na kulang nang 82,537 contact tracers ang Pilipinas, na siyang sumusubaybay sa mga close contact ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ang mga karagdagang contact tracers na kailangan ng gobyerno ay itatalaga sa mga LGU sa buong bansa.

"Dahil wala pa ring bakuna o lunas para sa COVID-19, kailangang magsanay ang pamahalaan ng mga contact tracers na siyang susupil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga na-expose sa virus at sa pagsubaybay sa kanila araw-araw sa loob ng 14 araw," wika ni Año sa isang pahayag.

Wika ng DILG, nakapagsumite na sila ng mungkahi sa Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para tuluyang makapag-hire at sanay ng mga contact tracers. Aniya, magiging bahagi ito ng pinalawak na pagsisikap ng pamahalaan sa pamamahala ng pandemya.

Ilan sa mga katangiang hinahanap sa mga contact tracers ay ang pagtatapoos ng Bachelor's Degree sa Allied Medical Courses, iba pang mga kursong may kaugnayan sa kalusugan, o Criminology.

Pwede ring mag-aplay ang mga nakapagtapos nang hindi bababa sa dalawang taon sa kolehiyo, basta't may kinalaman sa kursong medikal o criminology.

Una nang sinabi ng Malacañang na pinag-aaralan na kung maaaring gawing contact tracers ang mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho ngayong quarantine period.

Sa kabila niyan, pumalag na rito ang iba't ibang jeepney groups sa dahilang delikado ito at kawalan ng kasanayang medikal.

May kaugnayan: 'Delikado, walang expertise': Jeepney groups tutol gawing contact tracers ang tsuper

Sa ngayon, may kabuuang  87,092 mula sa 94,534 contact (92.13%) na ang natunton ngayon ng mga local contar tracing teams mula noong ika-15 ng Hunyo sa buong bansa.

vuukle comment

ANTI-TERRORISM BILL

CONTACT TRACING

FRANCIS PANGILINAN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with