^

Bansa

Duterte muling bumalik sa Davao

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte muling bumalik sa Davao
Unang bumalik sa Davao ang Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 16 matapos ang mahigit na dalawang buwan na pananatili sa Malacañang dahil sa enhanced community quarantine.
Presidential Photo/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bumiyahe pauwi ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte upang ma­kapi­ling ang kanyang pamilya.

Sinabi ni Roque na kamakalawa (Biyernes) umalis ang Pangulo sa Maynila.

Unang bumalik sa Davao ang Pangulo noong Mayo 16 matapos ang mahigit na dalawang buwan na pananatili sa Malacañang dahil sa enhanced community quarantine.

Ayon pa kay Roque, magkakaroon ng talumpati ang Pangulo sa Davao at umaasa siya na magkaroon din doon ng isang press briefing.

Hindi binanggit ni Roque kung kailan babalik sa Maynila ang Pa­ngulo.

Kalimitang nagsasalita sa bayan ang Pangulo tuwing Lunes ng gabi tungkol sa ginagawa ng gobyerno para labanan ang COVID-19.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with