^

Bansa

Kung ‘di mo pa oras, di ka mamamatay – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kung ‘di mo pa oras, di ka mamamatay – Duterte
Sa kanyang talumpati sa 2020 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines(LPM), nabanggit ng Pangulo ang tungkol sa isyu ng COVID-19 at kung paano kumikilos ang mga mayayamang bansa upang gumawa ng vaccine.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mamamatay ang isang tao kung hindi pa niya oras.

Sa kanyang talumpati sa 2020 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines(LPM), nabanggit ng Pangulo ang tungkol sa isyu ng COVID-19 at kung paano kumikilos ang mga mayayamang bansa upang gumawa ng vaccine.

Sinabi ng Pangulo na “destiny” ng isang tao ang pagkamatay at wala itong kinalaman sa pakikipagkamay na pinaiiwasan upang hindi mahawa ng virus.

Anya, kahit milyon pa ang bilang nang nakamayan kung hindi pa oras ng isang tao ay hindi ito mamamatay.

“Pero kung hindi ka na umabot (sa vaccine) that is really your destiny. Hindi mo na madala ‘yan sa handshake-handshake. Maski magpunta ka ng limang milyon na handshake diyan, ‘pag hindi mo pa panahon, hindi mo talaga panahon. Ganun lang ‘yan,” sabi ng Pangulo.

Naniniwala rin ang Pangulo na may maiimbentong vaccine para sa COVID-19.

Paniwala rin niya, ang nangyayari ngayon sa mundo kung saan marami ang namamatay ay bahagi ng “cleansing.”

Ibinahagi nito ang naranasan noong nasa elementarya pa siya kung kailan marami rin ang namatay dahil sa Bubonic plague.

Una nang tinabla ni Pangulong Duterte ang protocol ng Presidential Security Group na nagbabawal sa mga mamamayan na siya ay hawakan o kamayan upang matiyak na hindi mahahawa ng isang virus.

2020 GENERAL ASSEMBLY

LPM

RODRIGO ROA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with