^

Bansa

Buwis sa vape mananatili

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Buwis sa vape mananatili
Inihayag ito ni House Ways and Means committee chairman Joey Salceda matapos linawin ni Pangulong Duterte na hindi total ban ang kanyang panawagan kundi ipagbawal lamang ang paggamit ng vape at heated tobacco products sa mga pampublikong lugar.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines – Hindi na itutuloy ng Kamara ang planong alisin ang buwis na ipinapataw sa vape at mga heated tobacco products.

Inihayag ito ni House Ways and Means committee chairman Joey Salceda matapos linawin ni Pangulong  Duterte na hindi total ban ang kanyang panawagan kundi ipagbawal lamang ang paggamit ng vape at heated tobacco products sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ni Salceda na, inirekomenda sa kanila ng Department of Finance (DOT) na panatilihin na lamang ng Kamara ang probisyon ng House Bill 1026 na nagtataas ng buwis sa vape at e-cigarettes mula sa kasalukuyang itinatakda ng Republic Act No. 11346.

Subalit dahil sa panibagong pahayag ng Pa­ngulo, pinag-aaralan nila sa ngayon na itaas pa ang buwis sa vape mula P25/ml sa kasalukuyang bersyon ng panukala at gawing P45/ml.

Karamihan naman umano sa 1 million katao na gumagamit ng vape sa bansa ay napapabilang sa upper middle at high income class.

Habang 7 million naman sa 23 million na naninigarilyo ang napapabilang sa lowest 50 percent.

 

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with