^

Bansa

Revamp sa Gabinete maugong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Revamp sa Gabinete maugong
Ayon kay Nograles, totoong may naririnig nga silang usapan hinggil sa kung may aalis at bagong papasok sa team ng Administrasyon pero sa kung gaano ito katotoo ay hindi nila masasabi.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Aminado si Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na may alingasngas ng revamp sa hanay nilang mga miyembro ng Gabinete.

Ayon kay Nograles, totoong may naririnig nga silang usapan hinggil sa kung may aalis at bagong papasok sa team ng Administrasyon pero sa kung gaano ito katotoo ay hindi nila masasabi.

Wika ni Nograles, basta na lang mangyari ang revamp o sibakan ng walang anumang babala kasabay ng pahayag na lahat naman sila ay naglilingkod sa Ehekutibo “at the pleasure of the President”.

Mananatiling tsismis pa rin aniyang maitutu­ring kung anoman ang kanilang naririnig sa kung sino ang mga aalis at papasok sa hanay ng gabinete sa mga susunod na araw.

Samantala, sinabi ni Nograles na si Manny Piñol pa rin ang Kalihim ng Department of Agriculture gayung hindi pa tinatanggap ng Pangulo ang resignation letter nito.

vuukle comment

KARLO ALEXI NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with