^

Bansa

Parusang bitay ‘di pa napapanahon – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parusang bitay �di pa napapanahon � PNP
Ito ang pananaw ng Philippine National Police (PNP) sa isyu ng pagbuhay muli ng death penalty para ipataw sa mga nakagawa ng mabibigat na kasalanan sa batas.

MANILA, Philippines — Hindi pa napapanahon na buhayin muli ang “capital punishment” o death penalty laban sa mga kriminal na nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ito ang pananaw ng Philippine National Police (PNP) sa isyu ng pagbuhay muli ng death penalty para ipataw sa mga nakagawa ng mabibigat na kasalanan sa batas.

Nabuhay ang isyu sa death penalty dahil sa pag-arangkada sa senatorial race ng mga administration bets na pabor sa death penalty na kanilang isusulong kapag nagwagi sa Senado.

Sa kabila nito, sinabi ni Banac na kung magkakaroon na ng death penalty laban sa iligal na droga, mga sindikato ng iligal na droga, mga heinous crime gawa ng droga katulad ng rape, murder ay nakahanda ang PNP na suportahan ito.

Anya, ang death penalty ay makakapagpababa ng insidente ng mga krimen pero sa kasalukuyan ay dapat muna itong pag-aralang mabuti.

Sa panahon ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang death penalty ay sa pamamagitan ng silya elektrika. Sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos ay lethal injection habang sa ilalim naman ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay ipinatupad ang moratorium laban dito.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with