^

Bansa

Hukom, piskal sa narcolist isusunod ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Hukom, piskal sa narcolist isusunod ng PDEA
Sinabi ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino, inuumpisahan na nila ang narcolist na ang laman ay mga pangalan ng mga hukom at piskal sa iba’t ibang panig ng bansa.

MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng mga hukom at piskal na kabilang sa narcolist o sangkot sa iligal na pagpapakalat ng droga sa bansa.

Sinabi ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino, inuumpisahan na nila ang narcolist na ang laman ay mga pangalan ng mga hukom at piskal sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dismayado ang PDEA sa mga nababasurang kaso na kanilang isinasampa sa prosecutor’s office at korte kahit malinaw naman at matitibay ang kanilang ebidensya.

Ayon kay Aquino, lagi umanong dinadaan sa technicalities ang mga malalaking kaso ng PDEA, kahit solido ang kanilang mga ipiniprisintang mga ebidensiya sa piskalya at korte.

Naniniwala si Aquino na ginagawan lang ito ng istorya ng mga hukom at piskal para ma­kapag­lagak ng piyansa at makalaya ang mga nadarakip nilang sangkot sa drug operation.

Malakas aniya ang loob ng mga dayuhang sangkot sa iligal na droga na mag-operate sa bansa dahil sa ilang tiwaling hukom at piskal sa hanay ng hudikatura.

Iginiit ni Aquino na panahon na para ibalik ang parusang bitay sa bansa lalo na sa mga drug smuggler na siyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng mga mamamayan.

vuukle comment

AARON AQUINO

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with