^

Bansa

Pulitikong pinatay umabot na sa 18

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulitikong pinatay umabot na sa 18
Sa 18 kaso ng mga nasawi at nasugatang mga pulitiko, 5 dito ang alkalde, 4 ang gobernador, isang kongresista, 4 bgy. chairman, 3 vice mayor at isang bgy. councilor.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Anim na buwan bago ang midterm elections sa Mayo 2019, nasa 18 mga pulitiko at kandidato na ang nasawi at nasugatan na pinaniniwalaang may kinalaman sa mahigpit na labanan sa pulitika, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa 18 kaso ng mga nasawi at nasugatang mga pulitiko, 5 dito ang alkalde, 4 ang gobernador, isang kongresista, 4 bgy. chairman, 3 vice mayor at isang bgy. councilor.

Sa Region 7 o Central Visayas nagmula ang pinakamaraming bilang ng mga alkalde na nasasawi sa pananambang. 

Naitala naman sa 60 insidente ng may matin­ding banggaan sa pulitika ang mahigpit na binabantayan ng PNP kabilang dito ay 53 magkakalabang mga alkalde, 2 sa posis­yon ng gobernador, isa sa puwesto ng congress at apat sa mayoralty race.

Karamihan dito ay sa Region 1, Region IV A at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sinabi ni PNP spokesman P/Chief Supt. Benigno Durana Jr., bagaman ‘security concern’ ang mga kaso ng pananambang ay hindi pa ito maituturing na nakababahala.

vuukle comment

HILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with