Narco-politicians na kandidato kasuhan
MANILA, Philippines — Pinakakasuhan ni House of Representatives Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ang mga narco-politicians na tatakbo sa halalan sa taong 2019.
Sinabi ni Barbers na dapat, bago ilabas ang listahan ng narco politiciains, kasuhan muna sila para magkaroon ng public record.
Sa ganitong paraan ay magkakaroon umano ng informed choice ang mga botante kung sino ang dapat nilang iboto dahil kung ipapagpaliban pa ito at tatapusin pa ang eleksyon ay marami pang mangyayaring pagmamaniobra at presumption of regularities.
- Latest