^

Bansa

NDRRMC naghahanda na kay ‘Rosita’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
NDRRMC naghahanda na kay �Rosita�
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas, ipapatupad nila ang kahalintulad na level of preparedness sa nakaraang bagyong Ompong.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagsimula ng mag­handa ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa posibleng paghagupit ng bagyong Rosita lalo na sa mga lugar na tatahakin nito.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas, ipapatupad nila ang kahalintulad na level of preparedness sa nakaraang bagyong Ompong.

Sinabi ni Posadas may pagpupulong na silang ginawa sa mga concerned government agencies sa pakikipagtulungan ng mga local government units.

Napanatili ng bagyong Rosita ang kaniyang lakas na 200 kph at bugso na 245 kph.

Sa Martes nakatakda itong mag-landfall sa Cagayan, Isabela at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes.

Dahil dito kaya magdudulot ito ng light to mo­derate na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Bataan at lalawigan ng Zambales.

Asahan din na magi­ging maulan sa buong bansa hanggang sa araw ng Undas o Nobyembre 1 dulot ni Rosita.

vuukle comment

EDGAR POSADAS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with