^

Bansa

Oral sex sa PNPA: 3 cadets tatalsik!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Oral sex sa PNPA: 3 cadets tatalsik!
Ayon kay PNP Director General Oscar Albayalde, inatasan na niya ang PNP Directorate for Investigation and Detective Ma­nagement (DIDM) na imbestigahan ang nasabing kalaswaan at parusahan at sampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mapapatunayang may sala.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tatlong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang namemeligrong mapatalsik matapos ang pagpapa-oral sex umano sa dalawang plebo sa panibagong kontrobersya sa PNPA sa Silang, Cavite.

Ayon kay PNP Director General Oscar Albayalde, inatasan na niya ang PNP Directorate for Investigation and Detective Ma­nagement (DIDM) na imbestigahan ang nasabing kalaswaan at parusahan at sampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mapapatunayang may sala.

Hinihintay na ni Alba­yalde ang opisyal na report sa insidente na nangyari nitong Oktubre 6 pero noong Oktubre 21 (Linggo) lang ng hapon sumi­ngaw matapos magreklamo ang mga biktimang plebo.

Ayon naman kay PNPA Dir. C/Supt. Joseph Adnol, sa reklamo ng dalawang underclassmen pinuwersa umano silang mag-perform ng oral sex nang magkamali sa utos ng isang upperclassmen habang dalawa pa ang nanonood lamang at walang ginawa.

Tiniyak ng PNP Chief na kapag napatunayang nagkasala ang tatlong upperclassmen ay sisiguraduhin niya na masisibak ang mga ito sa akademya.

Aminado naman si Albayalde na may natatanggap na siyang ali­ngasngas hinggil sa pang­hahalay sa mga plebo kaya bago pa man ang insidente ay sinibak na niya ang mga pulis na nakatalaga sa PNPA na may dalawang taon na ang serbisyo rito kasama ang mga senior officers.

Mananatili muna rito si Adnol hanggang sa mailipat na sa kontrol ng PNP ang PNPA at PNP Training Institute upang madisiplinang mabuti ang mga kadete.  

Noong Marso 2018 ay una nang niyanig ng kontrobersya ang PNPA matapos ang graduation ceremony nang bugbugin ng mga naka-bonnet na junior classmen ang anim na mga bagong gradweyt.

Related video:

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with