^

Bansa

1 pang Koreano biktima ng scalawag na pulis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi pa man na­lulutas ng Philippine National Police ang kasong pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Korea­nong si Jee Ick-joo ay isa pang Korean trader ang biktima ng robbery /holdup na kinasasangkutan ng mga pulis sa Angeles City, Pampanga.

 Ito ang ibinulgar kahapon ni PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa sa press briefing sa media men kasunod naman ng kontro­bersya ng pagdukot kay Jee Ick-joo na pinatay sa loob ng Camp Crame ng mga scalawags na pulis.

Ayon kay dela Rosa, kamakalawa lamang ng gabi ipinarating sa kaniya ang report hinggil sa isa pang negos­yanteng Koreano na nabiktima naman ng robbery/holdup na kinasasangkutan ng mga pulis sa Police Regional Office (PRO) 3.

“Mayroon na namang Korean na biktima. Nangyari ito last December, some policemen were involved,” ani dela Rosa na sinabing inaalam na niya ang mga detalye sa progreso ng kaso.

Gayunman, hindi muna ibinigay ni dela Rosa ang pangalan ng biktima habang patuloy pa ang masusing im­bes­tigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito kung saan inireklamo ng pamil­ya ng Koreano ang mga pulis sa Angeles City na sangkot sa kaso.

Samantalang ina­alam pa kung pinaslang din ng mga scalawags na parak ang biktimang isa pang negosyanteng Koreano.

vuukle comment

KOREANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with