^

Bansa

'Lawin' lumakas pa, signal no. 4 sa southern Cagayan, Isabela

LEGAL CORNER - Pilipino Star Ngayon
'Lawin' lumakas pa, signal no. 4 sa southern Cagayan, Isabela

MANILA, Philippines – Lalong lumakas ang bagyong “Lawin” habang tinutumbok ang lalawigan ng Cagayan at Isabela, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.

Isinailalim sa signal number 4 ang dalawang lalawigan na tinatayang tatami sa kalupaan mamayang gabi o bukas ng umaga.

Nagbabala ang PAG-ASA na maaari pang lumakas ang bagyo bago ito mag-landfall.

Huling namataan si Lawin na may international name na Haima sa 385 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ng pinakamalakas na bagyo ngayong taon ang 220 kilometers per hour na hangin at bugsong aabot sa 305 kph.

Bukod sa Southern Cagayan at Isabela ay nakataas din ang storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3

  • Nalalabing bahagi ng Cagayan
  • Abra
  • Apayao
  • Ilocos Sur
  • Ilocos Norte
  • Mt. Province
  • Ifugao
  • Quirino
  • Kalinga
  • Northern Aurora

Signal no. 2

  • Calayan Group of Islands
  • La Union
  • Benguet
  • Nueva Vizcaya
  • Pangasinan
  • Nueva Ecija
  • Rest of Aurora
  • Tarlac

Signal no. 1

  • Batanes Group of Islands
  • Zambales
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Bataan
  • Northern Quezon kabilang ang Polillio Islands
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Cavite
  • Laguna
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes

Mabagal ang paggalaw ni Lawin pakanluran hilaga-kanluran sa bilis na 26 kph.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo bukas rin ng gabi o sa Biyernes ng umaga.

 

 

vuukle comment

BAGYONG LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with