^

Bansa

LP pumalag na sa paninisi kay Mar

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalag na ang isa sa mga Lider ng Liberal Party (LP)  sa madalas na panisisi ng mga kalaban sa politika kay LP standard bearer Mar Roxas.

Sinabi ni LP Campaign Manager at House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang problema sa mga kalaban ay si Roxas ang laging may kasalanan.

Kung saan inihalimbawa ng Speaker na may naghain o nag-file at mali ang naisulat, at kay Roxas isinisisi.

Hindi man direktang pina­ngalanan, tila pinatatamaan ni Belmonte si Sen. Grace Poe na katunggali ni Roxas sa pampanguluhang halalan.

Matatandaang nagka-isyu sa certificate of candidacy o COC ni Poe, na isa sa mga rason kung bakit nahaharap siya sa disqualification cases.

Nang idiskwalipika naman ng Commission on Elections 2nd Division, ininguso ni Poe si Roxas na nasa likod ng ruling.

Sa kabila nito sinabi ni Belmonte na “the truth will prevail” o malalaman ng lahat na mali ang mga alegasyon laban kay Roxas.

Samantala, isang daang porsyentong sigurado naman ni Speaker na makaka-angat si Roxas sa mga darating na Presidential surveys hanggang sa mismong halalan.

Paalala ni Belmonte, nagsisimula pa lamang ang kampanya para sa eleksyon at sigurado na makakahabol pa si Roxas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BELMONTE

CAMPAIGN MANAGER

GRACE POE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

LIBERAL PARTY

LIDER

MAR ROXAS

MATATANDAANG

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with