^

Bansa

NAIA officials nagturuan sa tanim-bala

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagturuan ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Office of the Transportation Security (OTS) sa pagdinig kahapon ng Senado sa kontrobersiyal na “tanim-bala” sa NAIA.

Kinuwestiyon ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee kung sino ang may hawak ng CCTV footages sa NAIA na maaring makita ang ginawang pag-X-ray sa bagahe ng Amerikanong si Lane Michael White, 20, na nakitaan daw ng isang bala.

Nagturuan sina MIAA General Manager Jose Angel Honrado at OTS administrator Usec. Rolando Recomono kung sino ang may awtoridad sa pagtatago o pag-iingat ng CCTV footage.

Naungkat ang tungkol sa CCTV ng ihayag ng stepmother ni White na si Eloisa Zoleta na hindi makausad ang kasong inihain nila sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil ayaw silang bigyan ng kopya ng footage.

Iginiit ni Guingona kina Recomono at Honrado na isumite sa Senado ang partikular na video na kinakailangan ng pamilya ni White para sa pagsasampa ng kaso.

Lumabas rin sa pagdinig na tinangkang kikilan ng P30,000 si White upang hindi matuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Humarap din sa pagdinig ang OFW na si Gloria Ortinez, na hindi natuloy ang pag-alis sa bansa patungong HK noong Oktubre 25 matapos umanong mataniman ng bala.

vuukle comment

ANG

ELOISA ZOLETA

GENERAL MANAGER JOSE ANGEL HONRADO

LANE MICHAEL WHITE

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NAGTURUAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OFFICE OF THE TRANSPORTATION SECURITY

ROLANDO RECOMONO

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with