^

Bansa

Poe last minute sa business forum

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tila “laban-bawi” ang naging pagdalo ni Sen. Grace Poe sa Philippine Business Conference na inorganisa noong Lunes ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na ginanap noong Lunes.

Ayon sa isang manunulat na si Isagani Cruz, isang araw bago isinagawa ang forum ay tumanggi si Poe sa imbitasyon sa kanya na dumalo rito.

‘Pero nang mabalitaan niya na dadalo sa kumperensiya ang tatlo pang ibang kandidatong presidente, bigla siyang pumasok sa bulwagan bandang huling bahagi ng araw na iyon at isinali niya ang kanyang sarili sa programa,” pagpapatuloy ni Cruz.

Nagkagulo ang mga organizer ng event dahil last minute nagkansela sina Poe. Napilitan ang mga organizer na palitan ang format ng event kaya inanunsiyo ng host na imbes na harapang debate ay isa-isang magsasalita ang mga presidentiables.

Naunang nagsalita si Sen. Miriam Santiago, sumunod si Vice President Binay at pangatlo si Mar Roxas na bukod ta­nging tumanggap ng mga tanong mula sa miyembro ng audience.

Dahil sa biglaang pagdating ni Poe ay naantala ang session ni Cruz at ng kanyang mga kasama.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CRUZ

GRACE POE

ISAGANI CRUZ

MAR ROXAS

MIRIAM SANTIAGO

PHILIPPINE BUSINESS CONFERENCE

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

VICE PRESIDENT BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with