^

Bansa

Albay naka-3 na sa Galing Pook awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling ipinakita ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Albay sa pamumuno ni Gov. Joey Salceda ang tibay at husay nito nang sa pangat­long pagkakataon ay masungkit ang Galing Pook Awards sa good governance o mahusay na pamamahala.

Ayon kay Salceda, apat lamang ang ginagawa nilang batayan sa Team Albay sa mahusay na pamamahala at ang mga ito ay kinabibilangan ng pagganti ng mabuting loob sa mga gumawa rin ng kabutihan, pantay-pantay na pagtrato, pagkakaisa at pagiging mapagbigay.

Inalala din ni Salceda ang ginawang pagdamay sa Albay ng sambayanan noong 2006 sa kasagsagan ng pagdapa ng ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan ng lalawigan dahil sa climate change o di maintindang pag-uugali ng panahon.

Para kay Salceda, hindi umano tamang isipin ng sinuman na ang kahirapan ng mamamayan ay kagustuhan ng Maykapal dahil lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon na itama ang mga kamaliang dulot ng kasaysayan.

Patunay lamang umano nito ang Team Albay ay nagtatrabaho at kumikilos ng sama-sama para sa iisang misyon patungo sa pagbabago ng kabuhayan ng mga mamamayan.

vuukle comment

ACIRC

ALBAY

ANG

AYON

GALING POOK AWARDS

INALALA

JOEY SALCEDA

MAYKAPAL

PATUNAY

SALCEDA

TEAM ALBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with