^

Bansa

Lee Kuan Yew pumanaw Malakanyang nakiramay

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakiramay si Pangulong Benigno Aquino III sa pagpanaw ng Singaporean leader na si Lee Kuan Yew na itinuring na founding father ng Republic of Singapore. “Sa buong buhay niya, bilang prime minister at senior minister, nagpakita si Lee ng hindi matatawarang debosyon sa kanyang bansa na ginawa niyang isang estado na magiging halimbawa ng mahusay, moderno at tapat na pamamahala. Ang pag-unlad ng Singapore ay umani ng paggalang ng mga bansa at mamamayan pati na ng libu-libong Pilipinong nagtrabaho at bumisita sa bansa,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nagsabi pa na nakikiisa si Pangulong Aquino at ang sambayang Pilipino sa pagluluksa sa pagpanaw ni Lee.  Si Lee na unang prime minister ng Singapore ay namatay kahapon sa edad na 91 anyos. Noon pang Pebrero 5 siya nakaratay sa Singapore General Hospital dahil sa pulmonya. Nakiisa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo sa pagluluksa sa pagkawala ng naturang lider.

vuukle comment

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

LEE KUAN YEW

NAKIISA

NAKIRAMAY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PEBRERO

REPUBLIC OF SINGAPORE

SI LEE

SINGAPORE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with