^

Bansa

‘Bilang ng naputukan mahigit 162 na’ - DOH

Doris Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 162 ang bilang ng mga tinamaan ng paputok ayon sa pinakahuling report ng Department of Health (DOH).

Batay sa report, 160 rito ay fireworks injuries habang dalawang kaso ang fireworks indigestion kabilang ang sa isang siyam na taong-gulang na bata na isinugod sa UST Hospital noong Martes ng umaga.

Sinabi din ni DOH Acting Secretary Janette Garin na 70% ng mga kaso ay dulot ng piccolo at ikinagulat ng ahensya ang biglaang pagkapal ng suplay nito sa merkado.

Ikinagulat ni Garin ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga naputukan kung saan sinisisi niya  ang pagpupuslit  ng mga paputok.

“Napagtanto namin na hindi lang siya imported na. Nagkaroon po ng mga pagpupuslit at gawang lokal. Bineberipika namin ito,”  ani Garin.

Susuriin pa naman ng ahensya kung sa bansa talaga ginawa ang kumakalat na piccolo o kung ni-repack lamang ito mula sa mga dating imported at nakapuslit na suplay.

Nakikipagtulungan na ang ahensya sa Philippine National Police (PNP) upang masugpo ang mga ilegal na paputok.

Kasabay nito, hiningi ni Garin ang tulong ng publiko sa pagsuplong ng mga nagbebenta ng naturang paputok.

Pinayuhan ni Garin ang publiko na agad na itawag sa mga awtoridad kung makakakita ng tinatawag na Corsair, na naka-repacked ng kulay pula, berde at itim na may pirata. Indikasyon ito na piccolo ang laman ng  pakete.

Samantala, lumobo na sa 10 katao ang biktima ng stray bullet o tinamaan ng ligaw na bala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, hepe ng Philippine National Police Public Information Office, ito’y base sa monitoring at mga insidenteng nairereport sa PNP mula Disyembre 16 hanggang dakong alas-8 ng umaga nitong Disyembre 31. Sa kasalukuyan, sinabi ni Mayor na nasa 123 insidente na ang kanilang natatanggap sa pangkalahatan.

Kabilang naman sa naging biktima ng ligaw na bala ay isang buntis na ginang na kinilalang si Maricel Luna ng San Jose, Batangas. Ang ginang ay nagtamo ng tama ng bala sa hita noong Disyembre 27.

Isa ring siyete anyos na batang lalake na kinila­lang si Isaac Gabriel Ruda ang tinamaan ng ligaw na bala at mabuti na lamang at daplis lamang ito sa ulo sa Lumban, Laguna noong Disyembre 28,2014 habang naglalaro ang biktima. Arestado naman ang jailguard na si Mario Cortez na siyang natukoy na nagpaputok ng cal. 22 pistol na tumama sa ulo ng biktima.

vuukle comment

ACTING SECRETARY JANETTE GARIN

BAGONG TAON

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF HEALTH

DISYEMBRE

GARIN

ISAAC GABRIEL RUDA

MARICEL LUNA

MARIO CORTEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with