^

Bansa

17 parak sa ‘Maguindanao’ lalaya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang 17 pulis na akusado ng Maguindanao massacre case dahil mahina umano ang mga ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa kaso.

Bunga nito, pansamantalang makakalaya mula sa kanilang kulungan sa Taguig jail ang mga akusadong sina PO1 Herich Amaba; PO3 Rasid Anton; PO2 Hernanie Decipulo; PO3 Felix Enate; PO1 Esperielito Lejarso; PO1 Narkouk Mascud; SPO1 Eduardo Ong; PO2 Saudi Pasutan; PO1 Arnulfo Soriano; PO1 Pia Kamidon; PO3 Abibudin Abdulgani; PO2 Hamad Nana; PO1 Esmael Guialal; SPO1 Oscar Donato; PO1 Abdullah Baguadatu; PO2 Saudiar Ulah at Police Insp. Michael Joy Macaraeg.

P200,000 ang inirekomendang piyansa ni Quezon City RTC Branch 21 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Pero dahil 58 counts ng murder ang kinahaharap ng bawat isang akusado, kailangang magbayad ng tig-P11.6 milyon ng 17 pulis para sa pansamantalang kalayaan.

Sa siyam na pahinang omnibus order na nilagdaan ni Reyes wala ni isa man sa naiprisinta at naihayag ng prosekusyon ang nag-uugnay sa naturang mga akusado sa naturang krimen.

Sa mga akusado, ta­nging sina Amaba at Macaraeg lamang ang nakita sa bisinidad ng Sito Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao. Si Amaba ay nangangasiwa sa checkpoint operation noong panahong iyon samantalang si Macaraeg ay nakita sa naturang lugar kinahapunan nang maganap ang tinaguriang Maguindanao massacre noong November 23, 2009 kung saan umabot sa 58 ang nasawi kabilang ang 32 mamamahayag. Ang pamilya Ampatuan ang itinuturong nasa likod ng krimen.

Nilinaw naman ng korte na pinapayagan lamang ang petition for bail ng mga akusado sa anumang capital offenses tulad ng pamamaslang kapag mahina ang ebidensiya laban sa mga inaakusahan.

vuukle comment

ABDULLAH BAGUADATU

ABIBUDIN ABDULGANI

AMPATUAN

ARNULFO SORIANO

BARANGAY SALMAN

EDUARDO ONG

ESMAEL GUIALAL

ESPERIELITO LEJARSO

FELIX ENATE

MAGUINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with