^

Bansa

Lani Mercado umapela sa pagbisita kay Bong

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Cavite 2nd district Congresswoman Lani Mercado sa Sandiganbayan at sa Philippine National Police (PNP) na payagan ang kanilang pamilya na bumisita ng madalas kay Sen. Bong Revilla sa piitan matapos itong sumuko kahapon dahil sa kasong plunder kaugnay pa rin sa pork barrel scam.

Ayon kay Mercado, hiniling nito na kung maaari ay araw-araw nilang madalaw ang asawang Senador kasabay na rin ng panalangin na sana ay maging maluwag ang mga awtoridad sa kanilang pamilya.

Pinagbilinan na rin umano si Mercado ng senador na ipagpatuloy ang trabaho nito bilang kongresista at ipakita sa taumbayan na hindi ito bumibitiw sa kanyang responsibilidad bilang public servant.

Aminado si Mercado na hindi matanggap ng dalawa nilang anak na sina Ram at Loudette ang kasong kinakaharap ng kanilang ama.

Nag-aalala umano ito dahil si Ram ay bigla na lamang umiiyak sa kanya dahil hindi sila nakakapag-usap ng masinsinan ng ama samantalang si Loudette ay hindi makapag-focus sa kanyang entrance exam sa kolehiyo kung saan nais nitong ma­ging isang doktor.

Pinapayuhan na lamang anya niya ang kanilang mga anak na ituon ang atens­yon sa kanilang mga pangarap sa buhay at huwag haya­an na maging balakid ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

 

vuukle comment

AMINADO

AYON

BONG REVILLA

CAVITE

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

KANILANG

LOUDETTE

MERCADO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with