^

Bansa

China pumorma na sa West Phl Sea

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nababahala si Pangu­long Aquino sa panibagong aktibidad ng China kung saan maraming barko nito ang nakadeploy na sa West Philippine Sea.

“Ang latest report na natanggap natin, we are again bothered that there seems to be developments in other areas with the disputed seas,” wika ng Pangulo.

Aniya, may movement ng ships ang China sa Mabini reef at may indikasyon din umano na ginagamit ang mga barkong ito sa reclamation malapit sa Gavin at Calderon Reefs.

Pero sa kabila nito, nananatili naman ang paninindigan ng Pangulo na idaan sa mapayapang paraan ang pagresolba sa usapin.

Iginagalang din niya ang desisyon ng China na hindi sumali sa legal na proseso matapos tumangging sagutin ang arbitration case ng Pilipinas sa international tribunal.

Naniniwala si Aquino na ang pagdulog sa international tribunal ang pinaka-epektibong paraan upang mapayapang maresolba ang sigalot sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Magugunita na nagpalabas ng procedural order ang Hague-based tribunal sa China kaugnay sa reklamo ng Pilipinas subalit patuloy na tumatanggi ang China na sumali sa proceedings.

Ipinagpipilitan ng China na kanila ang mga disputed areas na nasa South China Sea na ina­angkin din ng Pilipinas.

 

vuukle comment

ANIYA

AQUINO

CALDERON REEFS

CHINA

GAVIN

PANGULO

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with