^

Bansa

Kelot itinumba habang nagsusugal

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang ang una ay naglalaro umano ng sugal na cara y cruz sa lungsod Quezon.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawi na si Edwin Molinas, alyas Abay, 29, ng  Saret St., Brgy. Batasan Hills, sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldariaga, imbestigador, wala namang nakakilala sa salarin na agad na tumakas maka­raang isagawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa may isang talipapa na matatagpuan sa Presidential St., malapit sa panulukan ng San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills, ganap na alas -5 ng umaga.

Sabi ni Ramil National, natutulog siya sa loob ng inuupahang bahay nang magising siya sa mga malalakas na putok ng baril malapit sa kanyang lugar. Dahil dito, ipinasya niyang tignan ang pinanggalingan ng putok kung saan tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima habang nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo.

Bago ito, ayon sa ilang saksi, naglalaro umano ng sugal na “kara y cruz” ang biktima malapit sa lamayan nang biglang lapitan ng salarin at pagbabarilin.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng nasabing pamamaslang.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BRGY

CRISTITUTO ZALDARIAGA

EDWIN MOLINAS

PRESIDENTIAL ST.

RAMIL NATIONAL

SAN MATEO ROAD

SARET ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with