^

Bansa

NIA official pinasisilip kay Kiko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananawagan ang grupong Samahan ng mga Magbubukid ng Binmaley sa bagong talagang Presidential Assistant on Agriculture and food Secu­rity Management na si Secretary Francis “Kiko” Pangilinan na imbestigahan ang isang babaeng opisyal ng National Irrigation Administration dahil sa umano’y biglang pagyaman nito kahit maliit lang ang sinusuweldo.

Sinabi ni SMB President Rogelio Cruz na makikipag-ugnayan sila kay Pangilinan para masiyasat agad ang naturang opisyal na kilala sa tawag na ‘Donya’.

Sinabi ni Cruz na ipinagtataka nila ang biglang pagiging marangya ng buhay ni ‘Donya’ mula nang makapasok ito sa NIA may limang taon na ang nakakalipas.  Kontodo anya ang mga alahas ng opisyal na pawang mga brilyante pa umano ang suot nito mula tenga, leeg, kamay, daliri at bukung-bukong araw-araw sa pagpasok sa opisina. Kataka-taka din aniya ang kakayahan nitong bumili ng bagong Jaguar na sasakyan gayong kakarampot lamang ang suweldo nito sa NIA. Bukod pa umano ito sa pagbababad ng opisyal sa casino.

Nais rin ng grupo ng mga magsasaka mula sa Pangasinan na silipin ni Pangilinan ang  Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN ni ‘Donya’.

 

vuukle comment

BINMALEY

DONYA

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PANGILINAN

PRESIDENT ROGELIO CRUZ

PRESIDENTIAL ASSISTANT

SECRETARY FRANCIS

SINABI

STATEMENT OF ASSETS LIABILITIES AND NETWORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with