^

Bansa

Umaresto sa pyramiding queen tinangkang suhulan ng P100M

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinangka umanong su­hulan ng P100 milyon ang mga umaresto sa misis ng mastermind ng Aman Futures Group na sangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.

Ayon kay Chief Insp. Melvin Montante, Chief ng Intelligence Operation Section (IOS) ng Police Regional Office (PRO) 3, isang nagpakilalang ka­ibigan ng suspek na si Abigail Pendulas ang tumawag para paka­walan ang suspek kapalit ng P100 milyon.

Si Pendulas ay misis ng mastermind ng pyramiding scam na si Ma­nuel Amalilio.

“May tumawag sa CP ni Abigail na inabot  niya sa tao ko (SPO1 Jose Santos) na katabi niya, sino raw ba pwedeng makausap dito, pagkatapos na sabihin na name your price, nagbanggit daw yung lalaki ng P100 million,” ani Montante.

Inutos na ni PRO 3 Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta na alamin kung sino ang nasabing caller.

Si Pendulas ay nasakote sa kabila na nagparetoke ito ng ilong at nagtago sa pangalang Azziah de Guzman sa operasyon noong Mayo 2 sa Party Place sa Dolores, San Fernando City, Pampanga.

Ang suspek ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto ng Branch 1, Regional Trial Court ng Iligan City, Lanao del Norte sa kasong syndicated estafa.

Nakapiit ang suspek sa PRO 3 sa Camp Olivas, Pampanga.

Si Amanlilio na may dual citizenship na Malaysian at Pinoy, ang nagtayo ng Aman Futures Group Inc. na nambiktima ng libu-libong mga investors at nagkamal ng aabot sa hanggang P12 bilyon sa pyramiding scam. 

 

vuukle comment

ABIGAIL PENDULAS

AMAN FUTURES GROUP

AMAN FUTURES GROUP INC

CAMP OLIVAS

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

ILIGAN CITY

SI PENDULAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with