^

Bansa

Ombudsman blangko pa sa Napoles expose’ sa pork scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Blangko pa ang tanggapan ng Ombudsman sa expose’ ng negosyanteng si Janet Lim Napoles tungkol sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Ito ayon kay Ombudsman spokesman Asryman Rafanan ay dahil hindi pa naman ikinokonsidera ng tanggapan ang pagiging state witness ni Napoles dahil wala pang pormal na kahilingan para maging testigo ito kaugnay ng kaso.

Ayon sa Ombudsman, tanging hawak ng ahensiya ay ang motion for reconsideration ni Napoles hinggil sa kaso at wala naman itong binabanggit na pangalan ng iba pang mga mambabatas sa kanyang mosyon.

Sinasabing nais ni Napoles na maging state witness kasabay ng kanyang pagsumite ng sinumpaang salaysay sa Department of Justice (DoJ) na naglalaman daw ng mga pangalan ng iba pang mambabatas na sangkot sa pork scam.

Bago ito ay tinanggap nang state witness sa kaso ang whistleblower na si Ruby Tuason kasabay ng ginawang pagsosoli sa P40 milyong halaga ng umano’y naipon niya bilang komisyon mula sa pagiging ahente sa PDAF scam.

vuukle comment

ASRYMAN RAFANAN

AYON

BLANGKO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

RUBY TUASON

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with