^

Bansa

Isa pang mambabatas may pinakamalaking kinita sa pork scam – Lacson

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukod kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr., may isa pang mambabatas na hindi nababanggit sa mga ulat ang nakakuha ng pinakamalaking kickback sa pork barrel scam, ayon kay dating Senador Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson, na ngayon ay rehabilitation czar, na nilapitan siya ng kampo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles nitong nakaraan buwan upang isiwalat ang iba pang nasa likod ng umano'y pang-aabuso sa Priority Development Assistance Funds (PDAF).

Hindi naman pinangalan ni Lacson ang naturang mambabatas sa kanyang panayam sa radyo istasyon na DWIZ.

Kaugnay na balita: 19 senador sa pork scam 'di sinabi ni Napoles

Kinumpirma rin ng dating senador ang mga pangalan nina Enrile, Estrada at Revilla sa testimonya na ibinigay sa kanya ng asawa ni Napoles na si Jimmy.

Dagdag niya na may mga pangalan ng mambabatas ang hindi lumulutang sa mga ulat at sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Nabanggit din sa testimonya ni Napoles ang mga provisional state witnesss na sina Ruby Tuason at Dennis Cunanan, gayun din ang dating chief of staff ni Enrile na si Gigi Reyes, ayon pa kay Lacson.

Kahapon ay sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na nagbigay na ng sinumpaang salaysay si Napoles nang magkita sila sa Ospital ng Makati.

Kaugnay na balita: 'Kaalyado ni PNoy sa pork scam 'di patatawarin'

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

DENNIS CUNANAN

ENRILE

GIGI REYES

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAUGNAY

LACSON

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with