Lumang sasakyan kailangang kumuha ng bagong plaka - LTO
MANILA, Philippines - Kailangan nang kumuha ng bagong plaka pati mga lumang sasakÂyan nationwide.
Ito’y makaraang ianunsyo ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na sa susunod na buwan ng Abril ay ipalalabas na nito ang bagong car plates na may mga safety measures sa ilalim ng Plate Standardization ng LTO.
Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, layunin ng hakbang na maiwasan na magamit ng hindi otorisadong tao ang bawat naisyu na plaka sa isang car owner at hindi ito mapepeke ng sinuman dahil sa mas pinaraming safety features nito.
Sa LTO Anniversary sa Abril malamang ipalabas ang naturang mga bagong plaka na may halagang P450.00, alpha numeric na may kulay itim na numero at letra at kulay puti naman ang background para sa mga pribadong sasakyan. Dilaw naman ang background para sa mga for-hire-vehicles na may nakalagay na ruta nito.
Sa mga plaka ng mga mambabatas ay ilalagay naman dito ang distrito na pinagmulan nito tulad ng mga kongresista at senador.
- Latest