^

Bansa

Palparan, Reyes brothers, Ecleo: ‘Big 4’ tugis ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Next target’ ngayon ng pamunuan ng Phi­lippine National Police (PNP) na isunod sa naares­tong si Delfin Lee ay ang ‘big 4 high profile fugitives’ sa bansa.

Ang ‘big 4’ ay kinabibilangan nina Ret. Army Major General Jovito Palparan, dating Commander ng Army’s 7th Infantry Division (ID); magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes at si Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Chief Supt. Reuben Sindac, lalo pang pinaigting ang operasyon ng PNP Task Force Tugis upang maaresto ang ‘big 4 high profile fugitives’

Sinabi ni Sindac, may impormasyon na sila kung saan-saan nagtatago ang ‘big 4’ pero hindi nito maaaring ihayag upang hindi mabulilyaso ang operasyon ng PNP.

Si Palparan na binansagang ‘berdugo’ ng makakaliwang grupo ay kinasuhan ng kidnapping/illegal detention ng pamil­ya ng dalawang mis­sing UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006.

Ang magkapatid na Reyes ay wanted naman sa pagpatay sa brodkaster na si Doc Gerry Ortega na pinagbabaril noong Enero 24, 2011.

Habang si Ecleo ay convicted naman sa kasong parricide dahil sa pagpatay sa misis nito na si Elena Bacolod.

Ang magkapatid na Reyes ay may 1.55-M reward kapalit ng kanilang pagkakaaresto habang si Ecleo ay P.5-M at P1-M naman si Palparan.

Ang pinaigting na pagtugis ng PNP sa ‘big 4’ ay kasunod ng pagkakaaresto noong Biyernes sa negosyanteng si Globe Asiatique owner Delfin Lee na sangkot sa mahigit  P6.6 bilyong housing loans scam. 

Si Lee ay nasakote sa Hyatt Hotel sa lungsod ng Maynila na ngayon ay nasa kustodya ng National Bureau of Investigation-Pampanga kaugnay ng kaso nito sa Home Deve­lopment Mutual Fund na isinampa ng mga home buyers kaugnay ng double sale ng mga bahay at lupa sa Xeviera housing pro­jects sa mga bayan ng Bacolor at Mabalacat, pawang sa Pampanga. Ang negosyante ay may P2-M reward at nadakip dahil sa impormasyon na ibinigay ng isang tipster.

 

vuukle comment

ARMY MAJOR GENERAL JOVITO PALPARAN

CHIEF P

CHIEF SUPT

CORON MAYOR MARIO REYES

DELFIN LEE

DINAGAT ISLAND REP

DOC GERRY ORTEGA

ECLEO

ELENA BACOLOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with