Gag order sa mga imbestigador, dati nang polisiya ng PNP
MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabawal sa mga imbestigador na magbigay ng impormasyon sa mga mamamahayag hinggil sa kanilang mga hinahawakang kaso.
Sinabi ni PNP spokesperson C/Supt. Reuben Sindac na matagal na itong polisiya ng kapulisan na hindi lamang nasusudnod.
“Some of the investigators and other police personnel are pressured to release information that would unduly compromise ongoing investigation and police operations,†banggit ni Sindac nitong kamakalawa.
“So ang emphasis there should be no disclosure of investigation being conducted by the police.â€
Dagdag niya na maging ang papiprisinta ng mga suspek sa media ay ipinagbabawal na rin.
Kaugnay na balita: Police investigators bawal ng magpa-interbyu sa media
Anila, tanging ang mga media relations officer ng bawat istasyon ng pulis lamang ang maaaring kumausap sa mga mamamahayag.
Iniutos ni PNP Director General Alan Purisima ang gag order sa mga kapulisan upang hindi mailagay sa alanganin ang kanilang mga follow-up operation.
Maaaring maharap sa kasong insubordination ang sinumang imbestigador na magbibigay ng impormasyon sa media.
- Latest