^

Bansa

Bebot tinangkang itumba ng kapwa ‘tulak’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon  ang isang  babae matapos  barilin ng karibal sa pagbebenta ng shabu sa Navotas, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa tiyan ang biktimang si Jacklyn Leongson, 42,  ng Leongson Ext., Tabing Dagat, Brgy. San Roque ng naturang  lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Marlon Quijano, 30,  kalugar at karibal ng biktima sa pagtutulak ng shabu.

Ayon sa Navaotas City Police, naganap ang insi­dente  alas-11:15 ng gabi  habang  patulog na ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at barilin ng suspek.

 Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang agad namang dinala  ang biktima sa naturang ospital kung saan nasa malubha itong kalagayan.

Ayon sa ulat,   kapwa ‘tulak’  ng droga ang dalawa   sa kanilang lugar at sinasabing gusto ng suspek na masolo ang pagbebenta ng shabu dahil sa malaki ang kikitain kung walang kakompetensiya kaya pinagtangkaang itumba ang biktima.

vuukle comment

AYON

JACKLYN LEONGSON

LEONGSON EXT

MARLON QUIJANO

NAVAOTAS CITY POLICE

SAN ROQUE

TABING DAGAT

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with