^

Bansa

PNP bumuo ng probe team vs overpricing ng bunkhouses

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo na ang Phi­lippine National Police (PNP) ng 6-man investigating team upang imbestigahan ang kontrobersyal na anomalya sa umano’y overpricing ng mga bunkhouses na itinayo sa mga survivors ng super bagyong Yolanda sa Samar at Leyte.

Sinabi ni PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, walang sasantuhin ang kaniyang tanggapan sa imbestigasyon upang mapanagot sa batas ang may sala.

Alinsunod ito sa utos ni dating Senador at ngayo’y Rehabilitation Czar Panfilo “Ping” Lacson sa PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa alegasyong substandard ang mga ginamit na materyales at overprice ang nasabing mga bunkhouses.

Nilinaw naman ni Magalong na walang time frame sa isasagawa nilang imbestigasyon upang mapatibay ang mga kaso sa umano’y mga maiimpluwen­syang personalidad na naki­na­bang sa kickbacks sa nasabing mga overprices na bunkhouses.

Sinasabing 30 hanggang 35 ang komisyon na tinanggap ng mga tiwaling personalidad sa bunkhouse project.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot sa 1.1 M bahay ang napinsala ni Yolanda habang nasa 6,183 ang nasawi na karamihan ay mula sa Leyte at Samar.

Ayon kay Magalong, bahagi ng kanilang  pagsisiyasat ay ang pagkonsulta sa mga eksperto na may sapat na kaalaman sa kalidad ng mga materyales na ginamit sa pagtatayo ng mga kinukuwestiyong bunkhouses.

Inaalam na ng PNP-CIDG kung anong kla­seng asunto ang dapat isampa sa mga dapat managot sa kaso.

Una nang sinabi ni DPWH Secretary Ro­gelio Singson na naka­handa siyang magbitiw sa tungkulin kapag napatunayang overprice ang nasabing bunkhouses ng mga Yolanda survivors.

vuukle comment

BENJAMIN MAGALONG

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LEYTE

MAGALONG

SHY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with