^

Bansa

Mga mambabatas na ka-miting ni Napoles, tinukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinukoy ng dating katulong na ipinakulong ni Janet Lim Napoles ang mga ka-miting na Senador at Kongresista ng kanyang amo na tinaguriang pork barrel scam queen.

Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta, nagsalita na sa kanila si Do­minga Cadelina at inihayag umano nito ang pa­ngalan ng mga Senador at Kongresista na madalas kausap at nakikita tuwing may okasyon si Napoles.

Tumanggi naman si Acosta na pangalanan ang mga binanggit ni Cadelina dahil sa masyado pa itong maaga. 

Karamihan umano sa mga pinag-uusapan nina Napoles at ng mga katransaksyon na mambabatas ay ukol sa pera.

Pinaniniwalaan na malaki ang maitutulong ni Cadelina sa imbestigasyon sa pumutok na pork barrel scam dahil sa mga nalaman nito bilang personal na kasambahay ni Napoles. 

Samantala, dalawa pang saksi ang sumalang kahapon sa pagdinig sa “bail petition hearing” sa kaso ni Napoles na “serious illegal detention” na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy sa Makati City Regional Trial Court Branch 150.

Kabilang sa sumalang sa witness stand ay ang dating empleyado ni Napoles na si Mary Arlene Baltazar na naka-bullet proof vest pa at si Anabelle Luy na nagsalaysay ng hirap na dinanas ng kanyang kapatid na si Benhur Luy habang nakakulong sa condo unit ng mga Napoles.

vuukle comment

ANABELLE LUY

BENHUR LUY

CADELINA

JANET LIM NAPOLES

KONGRESISTA

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARY ARLENE BALTAZAR

NAPOLES

PERSIDA ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with