^

Bansa

Mga Biktima ng Bagyong ‘Maring’, tinulungan ng PCSO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga biktima ng pananalanta ng bagyong Maring sa pamamagitan ng pagbigay ng hospitalization assistance at pamamahagi ng relief goods sa mga lugar na lubhang apektado ng bagyo.

Ayon kay PCSO Chairman Margarita P. Juico, “Maaring hindi ito naaalala ng publiko, ngunit dati nang alituntunin ng kasalukuyang PCSO Board of Directors ang sagutin ang bayarin ng mga pasyenteng direktang naapektuhan ng mga kalamidad, na nagpapagamot sa mga ospital at healthcare center ng gobyerno.”

Ang alituntuning ito ay ipinatutupad tuwing panahon ng kalamidad, tulad ng bagyong Sendong, Pablo, at Habagat 2012, landslide sa Compostela Valley, at iba pa.

Ayon kay PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, “sa charter ng ahensiya, ang Republic Act. No 1169, na nagma-mandato sa PCSO na magbigay ng tulong sa mga ‘charities of national character.”

Bukod sa hospitalization assistance, namimigay rin ang PCSO ng relief goods. “May mga 75,000 Family Emergency Medicine (FEM) kits ang na­pa­migay,”  ani Rojas.

“Isang evacuation center sa Imus, Cavite, ang isa sa mga lugar na unang natulungan, kung saan may 177 pamilya o 758 katao. Ang laman ng FEM kit ay mga gamot para sa mga karaniwang sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon at pagtatae.

Nakikipag-ugnayan rin ang PCSO sa National Food Authority para sa pagbili ng 1,000 sako ng bigas na ipamimigay sa iba’t ibang mga eva­cuation centers sa bansa. Mayroon din 1,000 set ng kumot, banig, at kulambo na ipamimigay. 

 

vuukle comment

AYON

BOARD OF DIRECTORS

CHAIRMAN MARGARITA P

COMPOSTELA VALLEY

FAMILY EMERGENCY MEDICINE

GENERAL MANAGER ATTY

JOSE FERDINAND M

NATIONAL FOOD AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with