^

Bansa

Algeria hostage crisis: 7 Pinoy na ang patay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat na sa pito ang bilang ng mga Pinoy na nasawi sa malagim na hostage crisis sa isang gas plant sa Algeria matapos na marekober ang katawan ng isa sa mga nawawalang Overseas Filipino workers (OFWs).

Kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez ang pagkaka-rekober sa katawan ng isa pang Pinoy sa In Amenas gas plant na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan.  

Sinabi ni Hernandez na may dalawa pang Pinoy workers ang patuloy na pinaghahanap sa gas plant.

Aniya, inaayos na ng Embahada ng Pilipinas na may hurisdiksyon sa Algeria ang pagpapauwi sa mga labi ng pitong OFWs na pawang nagtamo ng mara­ ming tama ng bala sa katawan at mga matinding sugat bunsod ng pagsabog ng bomba.

Binisita na rin umano ng PH Embassy team ang apat na Pinoy na sugatan sa hostage-taking habang nagpapagamot sa Azhar Clinic sa Algiers.

 

 

vuukle comment

ANIYA

AZHAR CLINIC

BINISITA

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HERNANDEZ

IN AMENAS

OVERSEAS FILIPINO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with