Probe sa tuition hike isinulong sa Kamara

MANILA, Philippines - Isang resolution ang inihain ni Kasangga Partylist Rep. Ted Haresco para magsagawa ng agarang imbestigasyon tungkol sa ‘tuition fee hike’ na ipatutupad ng mga pribadong eskuwelahan dahil hindi na ito kayang kontrolin pa ng Department of Education (DepEd) ar Commission on Higher Education (CHED).

Sinabi ni Haresco, kailangan ma-regulate ang pagtaas ng tuition fee dahil ang mga magulang at mga estudyante ang apektado ng malaki rito sa pagtaas ng matrikula at miscellaneous fees.

“These have lasting results which many officials fail to see. Namely, the drop-out rates increase, as does the level of out-of-school youths. This actually contributes negatively to society because the number of unproductive and unskilled persons potentially increases,” sabi ni Haresco.

Ayon kay Haresco, sa pagtaas ng matrikula at miscellaneous fees dapat aniyang konsultahin dito ng mga pribadong eskuwelahan ang mga magulang ng mag-aaral.

Mahigit 70 paaralan sa National Capital Region ang nagpasabi sa DepEd na magtataas sila ng matrikula. Umaabot sa average na 11 porsyento ang itinataas ng matrikula taon-taon.

Show comments