3 OFWs wagi ng tig-P.2-M sa 'Pamaskong Handog' ng OWWA

MANILA, Philippines - Tatlong overseas Fi­lipino workers (OFWs) ang mapapalad na napili at nagwagi ng tig-P200,000 cash sa taunang Pamaskong Handog Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Kinilala ni OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon ang mga nanalo na OFWs na sina Carol Pangasian, Edward Tezon at Rosanna Dionisio.

Ayon kay Dimzon, dumaan sa matinding proseso at may mga criteria bago tuluyang napili ang tatlong mapapalad na OFWs mula sa mara­ming entry.

Bukod sa nasabing cash prize ay nakakuha din ng tig-$1,500 gift check, P25,000 gift certiticate at cellphone sina Pangasian, Tezon at Dionisio.

Si Pangulong Benigno Aquino III mismo ang nagbigay ng premyo sa mga napiling OFWs.  

Show comments