Parusa sa nagwelgang mga bus ok kay Tiangco

MANILA, Philippines - Mas gusto at sinusuportahan ni Navotas Rep. Toby Tiangco, chairman ng House Special Committee on Metro-Manila Development, ang desisyon ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan ng parusa ang mga kompanya ng bus na sumama sa ginawang welga noong isang taon.

Sinabi ni Tiangco, mahalagang isaalang-alang ang kapakanan ng publiko na siyang nahihirapan sa tigil-pasada ng mga bus noon.

“It was a fair decision,” sabi ni Tiangco sa pagkansela sa prangkisa ng Philippine Corinthian Liner at pagsuspendi sa prangkisa ng 15 iba pa.

“The penal sanctions imposed by the LTFRB were reasonable under the circumstances. This will also serve as a warning against repetition of the same to other franchise holders who should not hold com­muters hostage to force the government to accept their demands.” ayon dito.

Sabi ni Tiangco, ang Certificates of Public Convenience na ibinigay sa mga bus operator ay prebilehiyo na ibinibigay ng LTFRB na maaari nitong kanselahan o suspendihin kapag lumabag sila sa mga kondisyon.

Nagtigil-pasada ang mga bus companies noong Nobyembre 15, 2010 dahil sa pagsasama sa kanila sa number coding scheme.

Show comments