^

Bansa

QC counseling center, giit para sa mga teenager na buntis

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sa pagnanais na matulungan ang mga buntis na teenager at ang kanilang magi­ging anak, hiniling ni 4th district Councilor Jessica Daza kay QC Mayor Herbert Bautista na magtalaga ng teenage counseling center sa lungsod.

Ayon kay Daza, ang mga itatayong centers ay magbibigay ng counseling services at magsisilbing referral facilities para sa mga buntis na teenager sa lungsod na madalas na walang matakbuhan o mahi­ngan ng payo hinggil sa kanilang maagang pagbubuntis.

Anya, kadalasang itinatago ng nakararaming mga kabataang ito ang kanilang maagang pagbubuntis sa halip na sabihin ito sa kanilang pamilya o kaibigan.

Idinagdag ni Daza na dala na rin ng pagtaas ng bilang ng teen pregnancies, kailangang magkaroon ng teenage counseling centers na may counselor, advocates o social workers na magpapayo sa mga magiging ina.

Si dating QC Mayor na ngayoy Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte ay nagpatayo ng unang center para sa mga kabataan na tinawag na Teen Headquarters sa Cubao na nagbibigay ng medical services tulad ng medical at dental consultations, pre at post natal care, breast examinations, gynecological dysfunction treatments, counseling on responsible parenthood, family planning at reproductive health maintenance.   

vuukle comment

ANYA

AYON

BELMONTE

COUNCILOR JESSICA DAZA

CUBAO

DAZA

FELICIANO

IDINAGDAG

MAYOR HERBERT BAUTISTA

TEEN HEADQUARTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with