^

Bansa

Pang-matagalang solusyon sa krisis sa langis giit

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pangmatagalang so­lusyon at hindi limos ang dapat na gawin ng Department of Energy (DOE) sa nararanasang krisis sa presyo sa petrolyo.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) secretary general George San Mateo, hindi mareresolba ng mistulang limos na ibinibigay ng DOE sa pamamagitan ng “smart cards” na P1.050 kada buwan na subsidiya ang nararanasang paghihirap ng mga motorista.

Tinukoy din ni San Mateo na may diskriminasyon ang ipinapatupad na sistema ng DOE dahil dapat mabigyan din ng ayuda ang ilan pang mga gumagamit ng gasolina at diesel sa kanilang hanapbuhay at hindi lamang dapat nakatutok sa mga pampasaherong jeep at tricycle.

Sinabi naman ni Ener­gy Undersecretary Jose Layug Jr. na isang “short term solution” lamang ang pagbibigay nila na smart cards sa mga motorista habang may mga binubuo na rin silang “long term” na solusyon sa krisis. Kasama umano dito ang pagdebelop sa mga alternatibong “fuel” at pagpapa­lakas sa paggamit sa mga sasakyan na gumagamit ng “compressed natural gas (CNG), liquefied petroleum gas (LPG) at elektrisidad.

Sinagot naman ito ni San Mateo na napakahirap na mag-convert sa CNG at elektrisidad ang mga pampasaherong jeep dahil sa napakamahal ng conversion at napakamahal rin ang bumili ng isang CNG bus kung saan napakahirap magbayad ng buwanang amortisasyon.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

ENER

GEORGE SAN MATEO

KASAMA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

SAN MATEO

UNDERSECRETARY JOSE LAYUG JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with