SolGen: Unprogrammed funds hindi na maisosoli
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Office of the Solicitor General (OSG) Darlene Berberabe na wala nang ibabalik sa nagastos na unprogrammed funds na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional.
Sinabi ni Berberabe na natanggap na nila ang kopya ng desisyon ng SC kung saan unconstitutional ang unprogrammed appropriations ng 2024, 2025 at 2026 national budget at iginagalang nila ito. Subalit hindi aniya ito nangangahulugan na labag sa konstitusyon ang mismong national budget sa nasabing mga taon.
Nilinaw pa ni Berberabe na ang unprogrammed appropriations na nagastos na sa ilalim ng nakaraang budget ay hindi na maibabalik base sa doktrina ng operative fact.
Paliwanag pa ng Solgen na sa ilalim ng doktrina, na ang actions at expenditures na ginawa in good faith bago ang batas o probisyon na idineklarang unconstitutional ay mananatiling legal na kikilalanin. Sang-ayon naman aniya ang OSG na mahalaga ang limitasyon at quadrails na itinakda ng korte para sa paggamit ng kapangyarihan sa budget.
Dahil dito kaya magalang aniyang hihiling ang OSG ng paglilinaw para masiguro na ang mga limitasyon at pamantayang itinakda sa desisyon ay naayon sa paghahati ng mga kapangyarihang ito sa ilalim ng konstitusyon.
- Latest















