PANOORIN: Dating Bangsamoro MP, itinangging mastermind sa Laos drug shipment
MANILA, Philippines — Itinanggi ni dating Bangsamoro parliament member Sultan Edrieza Nasser Rimbang ang alegasyong siya ang mastermind sa drug shipment na naharang sa Laos at umano’y nakatakdang dalhin sa Pilipinas.
Sa kanyang pahayag, mariing itinanggi ni Rimbang ang anumang kaugnayan sa naturang shipment at sinabing hindi totoo ang mga paratang laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
“Wala po akong nakausap na hindi gobyerno dito sa Pilipinas o mga tao dito sa Pilipinas na para magpunta sa Laos o magdala dito na kahit anong bagay na makakasira sa ating bansa,” ani Rimbang.
Iginiit ng dating opisyal na wala siyang kinalaman sa shipment at itinanggi ang mga alegasyong nag-uugnay sa kanya rito.
- Latest
















