^

Bansa

Suweldo ng PHL peacekeepers itinaas sa $900

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Itinaas na sa $900  kada buwan mula sa dating $600 ang suweldo ng mga Pinoy peacekeepers bukod pa sa mga allowances at iba pang benepisyo sa pagsisilbi sa ilalim ng United Nations (UN).

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Oban Jr. ang send off sa 15th Philippine Contingent to Liberia (PCL) na binubuo ng 107 Enlisted Personnel (EP) na pinamumunuan ni  Army Col. Jorge Lomboy at 13th Philippine Contingent to Haiti(PCH) kung saan pamumunuan naman ni Marine Col. Ariel Caculitan ang may 143 enlisted personnel at 12 officers.

 Ang peacekeeping team na pinamumunuan ni Caculitan ay tutulak sa Haiti sa darating na Marso 17  na mananatili sa nasabing bansa sa loob ng anim na buwan habang ang PCL naman ay sa susunod na buwan ng Abril na magtatagal naman doon sa loob ng sampung buwan.

Sa naturang send-off ceremony , tinagubilinan ni Oban ang peacekeeping team na magbigay karangalan sa bansa sa pagtupad ng kanilang misyon lalo pa nga at krusyal ang papel na gagampanan ng mga ito sa UN peacekeeping team lalo na sa gaganaping halalan sa Liberia at Haiti. 

vuukle comment

ARIEL CACULITAN

ARMY COL

CHIEF OF STAFF LT

EDUARDO OBAN JR.

ENLISTED PERSONNEL

JORGE LOMBOY

MARINE COL

PHILIPPINE CONTINGENT

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with