^

Bansa

Manloloko sa 'Patrol 117' kulong

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagdami ng bilang ng mga nanloloko o ‘prank callers’ sa Hotline Patrol 117, nais ni Sen. Juan Miguel Zubiri na makulong ang mga ito.

Sa Senate Bill 2667 na may titulong “Hotline Patrol 117 Act of 2011”, parusang pagkabilanggo ng anim na buwan ang ipapataw sa mga mapapatunayang manloloko sa 117 at kahalintulad na emergency hotline na itatayo sa bawat lalawigan sa bansa.

Pinuna ni Zubiri na simula ng itatag ang Patrol 117 noong 2003, karamihan sa tawag na natanggap ay pawang nanloloko lamang,

Sa data ng Patrol 117 office, umaabot sa average na 1,500 ang tawag sa nasabing hotline pero tatlo o apat lamang dito ang lehitimo. Lumalabas na mahigit sa 98% ay pawang mga “prank calls” at walang katuturan.

Naniniwala si Zubiri na hindi dapat ginagamit sa panloloko ang nasabing hotline lalo na’t patuloy na tumataas ang kriminalidad sa bansa katupad ng kidnapping at carjacking.

Bukod sa kulong ng mula 15 araw hanggang anim na buwan, pagmumultahin din ng nasa P50,000 ang mga prank callers.

Lumutang ang isyu sa hearing ng Senado kaugnay sa panukalang iparehistro na ang mga pre-paid SIM card dahil bukod sa nagagamit ito sa kriminalidad ay nagagamit rin sa panloloko.

vuukle comment

BUKOD

DAHIL

HOTLINE PATROL

JUAN MIGUEL ZUBIRI

LUMALABAS

LUMUTANG

NANINIWALA

SA SENATE BILL

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with