^

Bansa

Pagkatapos MC taxi pilot study, wala ng new players - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa House of Representatives na tapusin na ang ongoing five-year Motorcycle Taxi Pilot Program.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng MC Taxi Technical Working Group (TWG), gagawin lamang ito kung maisasabatas na ang MC Taxi Bill.

Ipinanukala rin ni Guadiz na huwag nang tumanggap ng akreditasyon ng mga bagong players ng MC taxi service at sa halip ay ituloy na lamang ang tatlong kasalukuyang operators na Angkas, Joyride, at Move It.

“Part of the recommendation is for the LTFRB to continuously monitor po yung mga andyan. Kasama rin po dito ‘yung recommendation namin na hindi na muna mag-accredit ng additional players sa pilot study. Maintain na lang po ‘yung nandoon at monitor na lang for possible infractions,” pahayag ni Guadiz.

Taong 2019 nang ilunsad ang Motorcycle Taxi Pilot Study.

Gayunman, naharap ito sa iba’t ibang pagsubok gaya na lamang ng expansion ng operasyon ng MC taxi service sa labas ng Metro Manila.

“Hindi na po kailangan ng extension. Habang ginagawa ‘yung batas, ituloy lang sana ‘yung programa kasi 45 thousand po ‘yung binigyan ng slots sa Metro Manila. Mawawalan po lahat ‘yan ng trabaho,” pahayag ni Guadiz.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with