^

Bansa

2 Customs examiners kinasuhan ng smuggling

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng ka­song smuggling ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang customs examiners at iba pang empleyado ng BOC dahil sa pagsasabwatan sa pag import ng bigas mula sa bansang Vietnam.

Kabilang sa mga si­nampahan ng kasong paglabag sa Tariff and Customs Code at Revised Penal Code si Lamberto Ramos Espiritu may-ari at propritor ng Point Given Marketing, Customs broker Allahn Jay de Vera Gahon, Vicitacion Difon­torum, principal customs examiner, Ma. Teresa Aga­bao, principal customs examiner, Margarita San­tiago, customs examiner, Tala Cali at Glen Ollero, acting document processors pawang mga nakata­laga sa Formal Entry Division sa Port of Manila.

Sinabi ni Customs Com­missioner Lito Alvarez, nagsabwatan ang Point Given Marketing at mga nabanggit na empleyado ng BOC upang dayain ang gobyerno ng halagang P183,632,625 sa kanilang duties and taxes.

Base sa record ng BOC,dumating mula sa bansang Vietnam ang inangkat na bigas ng Point Given kung saan lahat ng ito ay prinoseso at inilabas ng hindi nagbabayad ng duties and taxes sa Port of Manila.

vuukle comment

ALLAHN JAY

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

CUSTOMS COM

DEPARTMENT OF JUSTICE

FORMAL ENTRY DIVISION

GLEN OLLERO

LAMBERTO RAMOS ESPIRITU

LITO ALVAREZ

POINT GIVEN MARKETING

PORT OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with