^

Bansa

P-Noy lumipat na sa Bahay Pangarap

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Lumipat na si Pangulong Aquino sa Bahay Pangarap mula sa kanyang tahanan sa Times St., Quezon City.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa Malacanang Press Corps na kamakalawa ng gabi ay doon na siya natulog matapos ang maghapon niyang Cabinet meeting.

Ayon kay P-Noy, nanibago siya sa unang gabi niya sa Bahay-Pangarap dahil nakasanayan na niya ang matulog sa kanilang tahanan sa Times St.

Aniya, malaking kaluwagan din sa Presidential Security Group (PSG) ang paglipat niya sa Bahay Pangarap dahil hindi na sila mahihirapan na bantayan siya sa pagbiyahe nila mula Times St. hanggang Malacanang.

Bagama’t nasa Bahay Pangarap na siya ay mas gusto pa rin niyang sumakay ng kotse papunta sa main Palace sa halip na tumawid na lamang sa Pasig River gamit ang barge.

Inamin din ni P-Noy na nasira ang presidential barge na kanyang sinakyan kamakalawa sa pagtawid sa Pasig river dahil sa water lily na ‘kinain’ ng makina ng barge.

vuukle comment

ANIYA

AYON

BAGAMA

BAHAY PANGARAP

MALACANANG PRESS CORPS

P-NOY

PANGULONG AQUINO

PASIG RIVER

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

QUEZON CITY

TIMES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with