^

Bansa

PNP ikinakasa kaso vs pet crematorium

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP ikinakasa kaso vs pet crematorium
A blurred image shows the remains of 26 dogs and three cats found inside plastic bags dumped along a roadside in San Jose del Monte City, Bulacan.
Luna and Furry Siblings via Facebook

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ng Philippine National Police-Bacoor City Police ang mga kasong kriminal laban sa pet crematorium na sangkot umano sa pagtatapon ng mga labi ng 25 aso at pusa sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa pulisya, kinakalap na ang mga ebidensya at dokumento upang maisampa ang kaukulang reklamo laban sa mga responsable sa insidente.

Natagpuan ang mga labi ng 26 aso at tatlong pusa na nakasilid sa mga plastic bag at itinapon sa gilid ng kalsada. Lumitaw sa imbestigasyon na ang mga may-ari ng mga hayop ay kumuha ng cremation services mula sa AhJhay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor City.

Nagsimula ang imbestigasyon noong Oktubre 31 matapos magsumbong ang ilang pet owners. Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya habang hinihikayat ang iba pang posibleng biktima na magsampa ng reklamo at magsumite ng ebidensya.

Sa isang pulong kasama ang mga pet owner, sinabi ng City Legal Office na nabigo ang crematorium na magpakita ng CCTV footage at mga dokumentong magpapatunay na naisagawa ang cremation. Napag-alaman din na hindi saklaw ng business permit nito ang animal cremation.

Samantala, hinimok ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang mga apektadong pet owners na magsampa ng kasong estafa laban sa crematorium dahil sa umano’y kabiguang maibigay nang maayos ang serbisyong kanilang binayaran. Kabilang sa mga natukoy na labi ang asong si Ivy, na muling ipina-cremate ng pamilya sa ibang establisimyento.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with