^

Bansa

Kongreso hinihintay sa canvassing

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Hihintayin ng Mala­cañang ang magiging kahilingan ng liderato ng Kongreso para magpa­tawag ng special session si Pangulong Arroyo upang masimulan na agad ang canvassing ng boto para sa pre­sidente at bise-presi­dente.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ricardo Saludo na ang liderato ng Kamara at Senado ang dapat humiling nito kay Pangulong Arroyo para magpatawag ito ng special session.

Sinabi pa ni Saludo na kailangan ang pag­hahanda ng Senado at Kamara para mag-convene na national canvasser ang Kongreso sa pagbibilang ng boto para sa presidente at bise-presidente sa na­kalipas na May 10 elections.

Titimbangin din ng Palasyo kung nararapat na agad magpatawag ng special session para magsilbing national can­vasser ang Kong­reso lalo’t kailangan ang mahabang preparasyon ng bawat panel at ka­nilang mga abugado.

Magugunita na hiniling ni Senate President Juan Ponce Enrile na madaliin ang pagda­raos ng sesyon ng Kon­greso upang makapag­silbi na sila bilang national canvasser.

vuukle comment

HIHINTAYIN

KAMARA

KONGRESO

MAGUGUNITA

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RICARDO SALUDO

SENADO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with